Home NATIONWIDE Fuel costs muling susuriin ng Meralco kaugnay ng lumalalang tensyon sa MidEast

Fuel costs muling susuriin ng Meralco kaugnay ng lumalalang tensyon sa MidEast

154
0

MANILA, Philippines – Muling susuriin ng Manila Electric Co. (Meralco) ang kanilang pinagkukunan ng fuel kasabay ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan, ayon kay chairman Manuel V. Pangilinan noong Miyerkules.

Ayon kay Pangilinan, pokus ng pagsusuri ang LNG, presyo ng karbon, at diesel dahil maaaring makaapekto ang mga ito sa presyo ng kuryente.

Aniya, layunin nilang tiyakin ang sapat na suplay ng kuryente at maayos na pamahalaan ang pagtaas ng presyo upang maprotektahan ang mga konsumer.

Ang Meralco ang pangunahing distributor ng kuryente sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at piling lugar sa Pampanga, Laguna, Batangas, at Quezon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here