Home METRO 11 patay sa suwagan ng bus at pickup truck sa Cagayan

11 patay sa suwagan ng bus at pickup truck sa Cagayan

CAGAYAN, Philippines – Patay ang nasa 11 indibiduwal sa isang road accident na naganap sa Brgy. Ayaga, Abulug, Cagayan.

Ayon sa mga nakasaksi, nagbanggaan umano ang Florida bus at isang pick up.

Dahil sa lakas ng impak ay maraming mga indibidwal ang nasawi at nasugatan.

Sa inilabas na litrato ng Cagayan Provincial Information Office makikitang inararo pa ng pickup truck ang bahagi ng isang tindahan.

Sa ngayon, patuloy ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente.