Home HOME BANNER STORY 4 nalibing nang buhay sa landslide sa Antipolo

4 nalibing nang buhay sa landslide sa Antipolo

MANILA, Philippines – Nalibing nang buhay ang apat na katao ang iniulat na patay habang dalawa pa ang nasagip matapos ang pagguho ng lupa sa Antipolo City sa Rizal, sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Antipolo City Fire Station nitong Miyerkules.

Sa isang pahayag, sinabi ng Antipolo City Fire Station na nangyari ang landslide sa Barangay Dela Paz.

“The team tirelessly worked hand in hand and managed to rescue two people alive and was able to retrieve four casualties trapped under the soil and mud. The entire operation only lasted for two hours,” ayon sa Antipolo City Fire Station.

Tumagal ng dalawang oras ang retrieval operation base sa awtoridad.

Hindi naman nabanggit sa ulat ng BFP ang dahilan ng landslide.

Ayon sa Antipolo City Fire Station, itinurn-over sa Antipolo City Police Station ang insidente ng landslide para sa karagdagang imbestigasyon. RNT