Home HOME BANNER STORY 11 SAF members sibak sa raket na escort service

11 SAF members sibak sa raket na escort service

MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil ang pagsibak sa serbisyo ng 11 miyembro ng Special Action Force (SAF) na sangkot sa pagbibigay ng escort services sa Chinese national.

Sa pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 15, sinabi ng PNP na napatunayang guilty ang mga tauhan ng SAF sa grave misconduct, dishonesty, grave irregularity sa performance ng kanilang mga duty, at conduct unbecoming of a police officer. Ito ay ang mga sumusunod:

Police Lieutenant Colonel Joseph A. Bagsao
Police Executive Master Sergeant Aaron A. Turano
Police Corporal George R. Mabuti
Patrolman Roger R. Valdez Jr.
Police Captain Roy A. Pleños
Police Captain Dale Andrei D. Duterte
Police Lieutenant Aaron F. Tudlong
Police Senior Master Sergeant Edmark A. Mabini
Police Senior Master Sergeant Albert S. Gandipon
Police Captain Jesttony F. Asanion
Police Lieutenant Michael C. Misa

Nahaharap din sa 31 araw na suspension si Police Captain Mark Victor M. Pineda matapos mapag-alamang guilty sa simple neglect of duty at less grave neglect of duty.

Samantala, tatlo iba pang pulis ang naabswelto dahil sa ‘insufficient evidence’ na nag-uugnay sa kanila sa umano’y paglabag.

Ang mga penalty na ito ay nag-ugat mula sa May 18 brawling incident sa subdivision sa Ayala-Alabang, Muntinlupa sangkot ang dalawa sa mga SAF member na umano’y nagmu-moonlighting bilang security escorts para sa Chinese national na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

“The investigation, supported by signed documents such as the Daily Personnel and Payroll Action Report (DPPAR), led to formal charges against the respondents. These actions clearly violated PNP regulations and responsibilities,” ayon pa sa PNP. RNT/JGC