Home TOP STORIES 11 utas sa pag-atake ng Houthi rebels sa Yemen

11 utas sa pag-atake ng Houthi rebels sa Yemen

3
0

MOKHA, Yemen – Hindi bababa sa 11 katao ang namatay sa mga pag-atake ng Houthi rebels na suportado ng Iran noong Linggo sa lungsod ng Mokha, Yemen, ayon sa isang medical source.

Kabilang sa mga nasawi ang tatlong sibilyan at walong sundalo, habang 32 iba pa ang nasugatan, kabilang ang anim na sibilyan. Karamihan sa mga sibilyang biktima ay tinamaan sa pantalan ng Mokha.

Nauna rito, target din ng Houthi rebels ang isang oil facility ng Saudi Aramco sa Jazan, Saudi Arabia, gamit ang mga missile at drone. Ayon sa Saudi energy ministry, naapula ang sunog sa naturang pasilidad.

Inako ng tagapagsalita ng Houthi na si Yahya Saree ang mga pag-atake at sinabing target nila ang mga sundalong Saudi at kanilang mga kagamitan bilang tugon sa umano’y pagpasok ng mga drone ng Saudi sa hilagang-kanlurang Yemen.

Ayon sa mga residente ng Mokha, sunod-sunod na malalakas na pagsabog ang narinig sa lungsod at sa pantalan.

Lumala muli ang tensyon matapos mabigo ang UN-backed truce noong 2022, habang nagpapatuloy ang alitan sa pagitan ng mga kaalyado ng United States at Iran sa Gitnang Silangan.

Patuloy na kontrolado ng Houthi rebels ang malaking bahagi ng Yemen, kabilang ang kabisera na Sanaa at mga lugar na malapit sa hangganan ng Saudi Arabia. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here