Home NATIONWIDE Chiz umapela sa Palasyo: Isyu kay Health Sec, Pujalte, resolbahan; UHC nadidiskarel...

Chiz umapela sa Palasyo: Isyu kay Health Sec, Pujalte, resolbahan; UHC nadidiskarel na

3
0
NAGBIGAY ng pahayag si Senate President Chiz Escudero, wala umano sa lugar ang Kamara na hindi sumunod sa ipinag-uutos ng impeachment court.Ito ang komento ni Escudero nang tanungin sa posibilidad na i-reject ng Mababang Kapulungan ang ibinalik na articles of impeachment.Ayon sa senador, hindi umano magkapantay ang Senado at Kamara sa bagay na ito. Sa parte ng impeachment, korte ang Senado at prosecutor ang Kamara. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Lubhang ikinababala ni Senador Francis “Chiz”  Escudero ang lumalalang sitwasyon sa Department of Health (DOH) sanhi ng isyung bumabalot sa katauhan ni Health Secretary Jose Pujalte Jr. na naglalagay sa alagangin sa Universal Health Care (UHC) program.

Sa pahayag, umapela si Escudero  sa Palasyo na kaagad ang isyung bumabalot kay Pujalte upang matiyak na magpapatuloy ang pinabuting implementasyon ng Universal Health Care (UHC) program.

Sa kanyang weekend podcast “Chiz Wiz! Usapang May Laman,”  nagpahayag si Escudero na lubhang pangamba sa isyung bumabalot kay Pujalte na maaaring magpadiskarel sa operasyon ng DOH na lubha nang nahihirap sa implementasyon ng UHC.

“Ang problema ay kapapalit pa lamang ng DOH secretary. Mukhang may issue na naman sa bagong DOH secretary baka mapalitan daw uli … May problema ka na nga sa sistema, may problema ka pa sa tao,” aniya.

Ayon kay Escudero, mahalagang mareolbahan ang isyu sa DOH upang matiyak na magpapatuloy ang implementasyon ng UHC at mapalakas ang   preventive healthcare programs sa buong bansa habang nakatuon ang gobyerno sa pagpapalawak ng sakop ng PhilHealth at mapahusay ang access sa lahat ng health facilities.

Isang grupo na nagpakilala bilang “concerned citizens” ang naghain ng pormal na reklamo sa   Presidential Complaint Center laban kay Pujalte hinggil sa paglabag sa casino ban sa ilalim ng  Presidential Decree 1869 at iba pang batas.

Base sa reklamo, palagi umanong nakikita si Pujalte na nagsusugal sa dalawang casino sa Maynila sa ilalim ng pekeng pangalan na mahigpit na pinabulaanan ng kalihim.

Kamakailan, naghain si Escudero ng isang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang advertisement at isponsor ng anumang gaming companies sa lahat ng media platform upang mapalakas ang pagbaka laban sa masamang epekto ng pagsusugal.

“Pipilitin po nating matugunan iyan. Mahaba pa po ang usapin kaugnay sa universal health care … gayun din ‘yung dapat nating tahaking landas tungo sa mithiin nating lahat na totoo, makatarungan at pangkalahatang pagpapatupad ng UHC para sa kapakanan ng ating mga kababayan,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here