Home METRO 11 ‘utos’ para sa ligtas, mapayapang Undas 2025 sa SJDM

11 ‘utos’ para sa ligtas, mapayapang Undas 2025 sa SJDM

291
0

BULACAN, Philippines – Naglabas ng 11 paalala ang kinauukulan para sa ligtas at mapayapang paggunita ng Undas 2025 sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Sa ulat ng City of SJDM Public Information Office nitong Oktubre 28, ganito ang pagkakasunod ng paalala.

1. Ipinagbabawal ang pagdadala ng baril o anumang armas, gayundin ng matatalim at matutulis na bagay gaya ng kutsilyo, cutter, gunting, tinidor, at iba pa.
2. Bawal magpasok ng anumang inuming nakalalasing o ang pagpasok nang lasing sa loob ng sementeryo.
3. Ipinagbabawal din ang pagdadala ng baraha o anumang gamit sa pagsusugal.
4. Bawal din magdala ng mga portable na kagamitang pang-luto tulad ng kalan na ginagamitan ng butane na maaaring maging sanhi ng sunog.
5. Ang pagdadala ng mga radyo, speaker, at iba pang kagamitan na magdudulot ng ingay sa loob ng sementeryo ay mahigpit ding ipinagbabawal.
6. Ipinagbabawal din ang pagtitinda sa loob ng sementeryo.
7. Simula 12:01 ng madaling araw ng November 1, 2025, mahigpit nang ipagbabawal ang pagdadala ng mga kagamitang pang linis sa mga puntod. Kabilang na ang matatalim na bagay at pintura.
8. Panatilihing malinis ang loob at paligid ng sementeryo, itapon ang inyong mga kalat sa tamang basurahan.
9. Ingatan ang inyong mga personal na gamit gaya ng bag, wallet, cellphone, at iba pa.
10. Huwag iwanan ang inyong susi sa inyong motor o sasakyan upang makaiwas sa abala.
11. Sariwain ang mga ala-ala ng mga namayapa at gawing makabuluhan ang Undas.

Bagama’t nirerespeto natin ang paggunita sa mga yumao nating mahal sa buhay tuwing UNDAS, mahigpit na ipatutupad ng Pamahalaang Lungsod na simula 6 AM hanggang 9:00 PM lamang bukas sa publiko ang lahat ng Pribado at Pampublikong Sementeryo upang maiwasan ang pagkalat ng Influenza-like illnesses at bilang pagiingat na rin sa banta ng The Big One.

Pinapaalalahanan din ang lahat, lalo na ang mga kabilang sa vulnerable sector na magsuot ng face mask upang makaiwas sa sakit. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here