Home NATIONWIDE 113 pamilya sa Abra, Ilocos Sur lumikas sa panggugulo ng NPA

113 pamilya sa Abra, Ilocos Sur lumikas sa panggugulo ng NPA

DAGUPAN CITY – Umabot sa 113 pamilya na binubuo ng 411 indibidwal mula sa Pilar, Abra at Santa Maria, Ilocos Sur ang inilikas kasunod ng sunod-sunod na engkwentro ng mga sundalo at New People’s Army noong Martes, Abril 2.

Sinabi ng Office of Civil Defense na 201 indibidwal (58 pamilya) sa Barangay Nagcanasan at 118 indibidwal (34 pamilya) sa Barangay Gapang, kapwa sa Pilar, at 83 indibidwal (21 pamilya) mula sa Sitio Paring sa Barangay Babalasioan, Santa Maria, Ilocos Sur ay na-displace.

Binigyan sila ng mga basic hygiene kits, pagkain, at tubig ng Philippine Red Cross-Abra.

Nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo sa mga engkwentro bago pinayagang makabalik ang mga residente sa kanilang mga tahanan. Santi Celario

Previous articlePambubugbog sa taekwondo sparring sa JIL school sa Bocaue, nakaabot na sa PSC
Next articleKelot na naningil ng P100 utang tinaga!