MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate ng University of Cebu sa mechanical engineers licensure examination na isinagawa nitong buwan, ayon sa Professional Regulation Commission.
Base sa PRC, 1,144 mula sa 3,485 ang nakapasa sa mechanical engineers licensure examination at 56 mula sa 113 naman ang pumasa sa certified plant mechanics (computer-based and paper and pencil) licensure examination na pinangasiwaan ng Board of Mechanical Engineering sa test centers sa Metro Manila, Baguio, Cebu at Davao.
Namayagpag si John Philip Minancillo ng University of Cebu sa mechanical engineers exam sa score na 90.60%, habang ang top performing school na may hindi bababa sa 50 test takers ay Batangas State University – Alangilan, kung saan 164 sa 175 examinees nito ang pumasa. RNT/SA