Home NATIONWIDE BI, DMW systems sanib-pwersa sa pagpapabilis ng OFW immigration clearance

BI, DMW systems sanib-pwersa sa pagpapabilis ng OFW immigration clearance

MANILA, Philippines- Inaasahan ng overseas Filipino workers (OFWs) na mas mapabibilis pa ang pagproseso ng kanilang mga departure clearance makaraang magsanib-pwersa ng mga sistema ang Bureau of Immigration (BI) at ang Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang pagsasanib na ito ay isang mahalagang bahagi ng modernisasyon ng Bureau, na naaayon sa bisyon ng “Bagong Immigration patungo sa Bagong Pilipinas.”

“The integration of the OEC into our system represents a significant improvement in BI’s modernization efforts. This update will facilitate quicker processing times for OFWs, ensuring that they receive their immigration clearances promptly and efficiently. By enabling real-time data sharing with the DMW, we also aim to ensure a more streamlined process,” paliwanag ni Tansingco.

Ang pinagsama-samang sistemang ito ay nagbibigay-daan para sa agarang pagberipika ng mga detalye ng OEC, na nagbibigay ng tuloy-tuloy na pagproseso para sa mga OFW habang naghahanda sila para sa kanilang trabaho sa ibang bansa.

Kung walang nakitang iregularidad, ang mga umaalis na OFW ay makatatanggap ng kanilang immigration clearance nang walang pagkaantala.

Idinagdag niya na ang DMW ay nakatuon din na panatilihin ang mga tauhan nito na nakatalaga sa mga paliparan, na magbibigay ng tulong sa mga pangangailangan ng mga OFW.

“This partnership between the BI and the DMW is aimed at providing a seamless experience for our modern day heroes,” ani Tansingco.

“They can expect more improvements to come, targeting OFWs to provide better experience,” dagdag pa ng opisyal. JAY Reyes