Home NATIONWIDE NAPOLCOM commissioner iginiit na hindi nagpapapogi; walang balak tumakbo sa 2028

NAPOLCOM commissioner iginiit na hindi nagpapapogi; walang balak tumakbo sa 2028

2
0

MANILA, Philippines – Nanindigan si NAPOLCOM Commissioner Rafael Calinisan na hindi siya nagpapapogi sa media at lalong wala siyang plano na tumakbo sa 2028.

Ang pahayag ni Calinisan ay kasunod ng mainitang diskusyon nila ni Police Corporal Simeon Suan, ang pulis na sangkot sa viral na insidente sa Taguig City kung saan isang senior citizen ang pwersahang inaresto nang iprisinta sa media.

Sa Kapihan sa Samahang Plaridel, iginiit ni Calinisan na dati na siyang pogi kaya hindi na niya kailangan pang magpapogi gaya ng sinabi sa kanya ng naturang pulis sa isang press conference.

Giit pa ni Calinisan, wala siyang ibang agenda at ginagawa lamang niya ang kanyang tungkuling.

Nilinaw din ni Calisinan na tanging mga pulis na mga nasasangkot lamang sa mga isyung nag-viral ang kanilang inihaharap sa media.

Aniya, kailangan ito upang malaman ng taumbayan na umaaksyon ang gobyerno at para maibalik din ang tiwala ng publiko sa pamahalaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here