Home METRO 12-anyos dedo sa paputok sa Tondo

12-anyos dedo sa paputok sa Tondo

417
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 12-anyos na bata habang nasugatan ang kanyang kapwa 12-anyos na kasama nang sumabog ang isang paputok sa kanilang mga kamay noong Linggo ng gabi sa Tondo, Manila.

Ayon sa ulat, nakita ng isang tricycle driver ang dalawang biktima na nakaupo sa bangketa at hawak ang hindi kilalang paputok bandang alas-8:23 ng gabi.

Batay sa paunang imbestigasyon, dumaan ang saksi sakay ang kanyang tricycle sa A. Lorenzo Street malapit sa kanto ng Jose Abad Santos Avenue nang mapansin niya ang mga bata.

Ilang sandali, naganap ang pagsabog. Nahuli ang insidente sa CCTV ng Barangay 224.

Isa sa mga bata ang namatay, habang ang kasamang bata ay dinala sa kalapit na ospital para gamutin ang sugat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here