Home METRO 12-anyos na nagsasaranggola tigok sa kuryente

12-anyos na nagsasaranggola tigok sa kuryente

PANGASINAN, Philippines – Ang masaya sanang paglalaro ng saranggola ng isang 12-anyos na binatilyo ang siyang nagdala sa kanyang kamatayan matapos na makuryente sa bayan ng San Carlos.

Base sa ulat, sumabit ang saranggola ng biktima sa isang puno na may kalapit na live wire.

Inabutan na lamang ng mga kaanak ang batang biktima na hindi na gumagalaw sa itaas ng puno sa Barangay Duyong nitong Miyerkules.

Kuwento ng kaanak, umakyat ng puno ang biktima para kunin ang saranggola na sumabit pero aksidente nitong nahawakan ang live wire na malapit sa mga sanga ng puno kaya siya nakuryente.

Doble pa ang sakit sa naiwang pamilya dahil ang ama ng biktima, nay kamamatay din lang noong nakaraang Mayo.

Samantala, isa namang 25-anyos na lalaki rin ang nasawi matapos makuryente rin sa ginagawang bahay sa Barangay Poblacion sa Anda, Pangasinan nang mahawakan niya ang scaffolding na nakadikit sa live wire. RNT