Home METRO 12-anyos nadulas sa ilog, patay

12-anyos nadulas sa ilog, patay

MANILA, Philippines – Patay matapos na malunod ang isang 12-anyos na Grade 6 pupil sa Chico River sa Barangay Tocucan, Bontoc, Mountain Province, noong Biyernes, Mayo 24.

Kinilala ni Police Major Ryan Wakat, hepe ng pulisya ng Bontoc, ang biktima na si Veneizah R. Atiwag.

Si Atiwag at ang kanyang mga kaklase ay naglalaro sa tabing ilog malapit sa kanilang paaralan nang siya ay madulas at malunod.

Humingi ng tulong ang kanyang mga kasama sa mga matatanda sa lugar na nag-ulat ng insidente sa pulisya.

Narekober ng mga rescuer ang katawan ng biktima noong tanghali noong Sabado, Mayo 25, malapit sa lugar kung saan siya nalunod.

Pinayuhan ng pulisya ang mga tao dito na bigyan ng babala ang mga bata laban sa pagpunta sa ilog dahil sa malakas na agos, lalo na ngayon ang tag-ulan. RNT