MANILA, Philippines – Naobserbahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 12 Chinese vessels sa karagatan ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) sa West Philippine Sea.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na nagsagawa ito at nang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng routine maritime patrol sa baybayin.
Ayon sa PCG ang BFAR patrol aircraft ay nagsagawa ng aerial surveillance ng maritime situation, na kinilala ang dalawang barko ng China Coast Guard (3106 at 3104) na nakaposisyon sa labas ng Bajo De Masinloc, kasama ang pitong sasakyang pandagat ng Chinese maritime militia sa nakapalibot na tubig.
Dalawang barko ng Chinese maritime militia ang naobserbahang naka-station sa loob ng shoal, na sinusubaybayan ang mga access route ruta ng sa lugar.
Bukod pa rito, isang sasakyang-dagat ng People’s Liberation Army Navy (PLAN), bow number 552, ang iniulat na humigit-kumulang 50 nautical miles sa baybayin ng Zambales.
Sa patrol operation, sinabi ng PCG na ang BRP Teresa Magbanua at BRP Cabra, ay namahagi ng mga food package at groceries sa mga mangingisdang Pilipino na nangingisda sa lugar.
Nasa 40 mga bangkang pangisda ng mga Pilipino ang naobserbahang nagsasagawa ng mga aktibidad sa pangingisda sa panahon ng patrol.
Noong unang bahagi ng linggong ito, sinabi ng Philippine Navy na nagsagawa sila ng rotation and reprovisioning (RORE) missions sa siyam na isla sa West Philippine Sea nitong Disyembre.
Sa nasabing RORE missions, sinabi ng Philippine Navy na nakita nila ang apat na barko ng Tsina malapit sa Ayungin (Second Thomas) Shoal, ngunit walang nangyaring hindi kanais-nais na insidente. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)