MANILA, Philippines – Bineberipika pa ng Office of Civil Defense (OCD) ang napaulat na may 12 katao ang nasawi sanhi ng serye ng tropical cyclones at malakas na southwest monsoon, o habagat sa nakalipas na araw.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Operations Lawrence Mina na bineberipika pa rin nila ang ulat na may 12 katao ang nasugatan habang 8 naman ang nawawala dahil sa tropical cyclones Luis at Maymay at ulan na dala ng habagat.
Aniya, ang report ay mula sa Region 1 (Ilocos Region), Cordillera Administrative Region at Region 4A (Calabarzon).
Ang mga apektadong pamilya ay 384,520, may katumbas na 1,310,000 indibiduwal.
“Of these, 16,130 families or 58,650 persons or individuals were served inside 624 evacuation centers. While there are 11,360 families or 39,290 individuals being served outside ECs (evacuation centers). These are in regions NCR (National Capital Region) 1, 2, CAR, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6, and Region 9,” ang sinabi ni Mina. (KRIS JOSE)