Home METRO 2 motorsiklo bumagsak sa malakas na hangin, parang buhawi sa Tondo

2 motorsiklo bumagsak sa malakas na hangin, parang buhawi sa Tondo

3
0

MANILA, Philippines — Dalawang motorsiklong nakaparada sa isang eskinita sa Tondo, Maynila ang bumagsak matapos hagupitin ng malakas na hanging tila buhawi sa kasagsagan ng habagat nitong Linggo ng gabi, Agosto 9, 2026.

Batay sa kuha ng CCTV, kapwa natumba ang dalawang motorsiklo na nakaparada sa Biak-na-Bato Street, Tondo, dahil sa lakas ng hangin.

Isa sa mga motorsiklo ay pag-aari ng batikang reporter at kolumnista ng People’s Tonight na si Edd Reyes, na nagtamo lamang ng ilang gasgas ang kanyang motorsiklo.

Bukod sa dalawang motorsiklo, kapansin-pansin din sa CCTV ang isang pusang tila tinangay ng malakas na hangin at tuluyang nahulog mula sa isang bubungan.

Maging ang isang bahagi ng yero ng bahay na makikita sa kanang bahagi ng CCTV footage ay natangay rin dahil sa malakas na bugso ng hangin.

Sa kabila ng insidente, wala namang naiulat na nasaktan sa naturang pangyayari.

Maaari ring makitang dumaan sa lugar ang isang dalagita ilang sandali bago bumagsak ang mga motorsiklo. Sa kabutihang-palad, hindi ito inabutan ng malakas na bugso ng hangin at nakalayo nang ligtas.

Nabatid na apo ng beteranong mamamahayag ang naturang dalagita.

Nagsilbing paalala naman ang insidente sa mga residente na mag-ingat at tiyaking ligtas at matibay ang mga nakaparadang sasakyan at iba pang bagay sa labas ng bahay habang patuloy ang malalakas na ulan at hangin dulot ng habagat. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here