Home NATIONWIDE 12 marinong Pinoy sa inatakeng barko sa Gulf of Aden, ligtas –...

12 marinong Pinoy sa inatakeng barko sa Gulf of Aden, ligtas – DMW

286
0

MANILA, Philippines – Ligtas ang lahat ng 12 Pilipinong marino sakay ng barkong Minervagracht na inatake sa Gulf of Aden, kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, dalawa ang nananatiling nasa ilalim ng gamutan—isa may banayad na sugat at isa may malubha ngunit hindi nakamamatay na pinsala. “Ten crew members, including those with minor injuries, are out of danger and expected to return home soon,” aniya.

Nailipat na sa ligtas na lugar ang mga Pilipino kasama ang kanilang kasamahang Ruso, Ukraniano, at Sri Lankan, at nakatakdang maiuwi sa Pilipinas ngayong weekend.

Dagdag ni Cacdac, binibigyan ng “close support” ang mga pamilya ng seafarers, at sasalubungin ang crew sa isang whole-of-government response na kinabibilangan ng akomodasyon mula OWWA, pinansyal na tulong at counseling mula DSWD, at medical check-ups mula DOH. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here