Home NATIONWIDE OVP nagpahayag ng pakikiramay sa Cebu quake victims

OVP nagpahayag ng pakikiramay sa Cebu quake victims

230
0

Nagpahayag ng pakikiramay ang Office of the Vice President (OVP) nitong Miyerkules sa mga pamilya ng mga nasawi sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu nitong Martes ng gabi.

Sa pahayag, sinabi ng OVP na magbibigay ito ng tulong sa pamamagitan ng mga satellite office nito sa Central Visayas, Eastern Visayas, at Panay at Negros Islands.

“Ipinapaabot namin ang aming mga dasal para sa kapayapaan ng mga pumanaw, kagalingan ng mga nasugatan, at mabilis na pagbangon ng mga komunidad na apektado ng trahedya,” ayon sa OVP, na nagdasal din para sa lakas ng loob, tibay ng pananampalataya, at pag-asa ng mga naapektuhan.

Ayon sa Office of Civil Defense, umakyat na sa 60 ang bilang ng mga nasawi. Idineklara na rin ang Cebu bilang nasa ilalim ng state of calamity. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here