Home NATIONWIDE 12 menor de edad arestado sa illegal drag race sa Bulacan

12 menor de edad arestado sa illegal drag race sa Bulacan

274
0

MANILA, Philippines – Arestado ang 24 katao, kabilang ang 12 menor de edad sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa illegal na motorcycle drag race sa San Rafael, Bulacan.

Sa isang video footage mula sa Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), nakita ang mga kalahok na nakikipagkarera ng kanilang mga motorsiklo nang walang suot na helmet.

Ang ilan sa mga kalahok ay may mga sakay pang pasahero.

“Mayroon po tayong isang concerned citizen na nakapagbigay ng impormasyon na mayroon pong nagaganap na drag racing dito po along sa Mabalas-Balas-Galas-Maasim bypass road dito yan sa San Rafael, Bulacan kung saan ito ay nilalahukan ng mga kabataan,” pahayag ni PNP HPG spokesperson Police Lieutenant Nadame Malang sa panayam ng GMA News.

Ang isa sa mga menor de edad ay nasangkot pa sa aksidente at nagtamo ng bali sa buto matapos nitong tangkang tumakas sa mga awtoridad.

“Karamihan ng mga nahuli natin ay walang helmet, walang rehistro ang kanilang mga sasakyan…naka-modify ang mga parte po ng kanilang mga motorsiklo, kung saan ito ay maaaring makapagbigay ng pinsala para sa mismong nagmamaneho po,” ani Malang.

Itinurn-over na sa Department of Social Welfare and Development ang mga menor de edad na naaresto, habang ang iba ay sasampahan ng iba’t ibang reklamo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here