MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Competition Commission (PCC) nitong Huwebes, Setyembre 5 na naghain sila ng reklamo laban sa 12 onion traders dahil sa mga aksyon na gaya ng sa isang kartel na “harmed consumers and the economy in general.”
Matatandaan na sinimulan ng PCC na imbestigahan ang pagkakaroon ng mga onion cartel mula nang lumobo nang hanggang P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas noong 2022.
Noong nakaraang taon, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang imbestigasyon sa umano’y hoarding, smuggling, at price fixing ng mga sibuyas at iba pang agricultural products, na tinawag niyang “economic sabotage.”
Sa ilalim ng Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, ikinokonsidera ang large-scale agricultural smuggling bilang isang economic sabotage.
Noong Agosto, nagpasa ang Senado at Kamara ng panukalang “Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.” RNT/JGC