Home HOME BANNER STORY 12 private schools iniimbestigahan sa ‘ghost students’

12 private schools iniimbestigahan sa ‘ghost students’

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Department of Education ang 12 pribadong paaralan sa umano’y pagkakaroon ng ‘ghost students’ na nakalista bilang benepisyaryo ng voucher program ng pamahalaan.

Anang DepEd, hindi mahagilap ang kinaroroonan ng mga estudyante.

Ang Senior High School Voucher Program ay isang financial assistance program para sa mga estudyante ng senior high school sa mga pribadong paaralan.

Sa naturang programa, ang mga incoming Grade 11 students na nagtapos ng elementarya at high school sa pampublikong paaralan ay awtomatikong makatatanggap ng voucher na nagkakahalaga ng P14,000 hanggang P22,500.

Ang mga estudyante naman na mula sa pribadong paaralan at hindi grantee ng Education Service Contracting Program ng DepEd ay maaaring mag-apply sa voucher program.

“We take these allegations seriously. Any form of misuse of public funds will not be tolerated. This investigation is a necessary step as we pursue the truth and hold accountable those responsible,” ayon kay Education Secretary Sonny Angara.

“In line with this, DepEd has initiated recourse actions, including preparation for the termination of the schools’ accreditation and collating pieces of evidence against responsible individuals,” dagdag niya.

Pinag-aaralan na ng DepEd ang mga legal na hakbang laban sa mga mapatutunayang sangkot sa ghost students. RNT/JGC