Home NATIONWIDE 12 sentimo, ibinangon ng Piso kontra lagapak sa dolyar

12 sentimo, ibinangon ng Piso kontra lagapak sa dolyar

4
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Bahagyang lumakas ang piso kontra dolyar nitong Huwebes matapos makabawi mula sa halos pinakamahinang antas nito sa kasaysayan na naitala noong nakaraang araw.

Nagsara ang piso sa P61.625 kada dolyar, mas mataas ng 12 sentimo kumpara sa P61.745:$1 na naitala noong Miyerkules.

Ayon kay Michael Ricafort, nakatulong sa pagbangon ng piso ang babala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa paggamit ng foreign exchange derivatives upang kumita mula sa pabago-bagong galaw ng halaga ng salapi.

“It is worth noting that the peso exchange rate was relatively stable versus the US dollar recently amid possible intervention/smoothening of market volatility at P61.60-P61.70 levels recently; possible BSP rate hike/s, even off-cycle, to help stabilize the peso exchange rate, importation costs, and, in turn, also better manage inflation and inflation expectations,” Ricafort said.

Binanggit din ni Ricafort ang pagtaas ng remittances ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at ang pagpapapalit ng dolyar sa piso para sa gastusin sa pagbubukas ng bagong school year bilang mga salik na sumuporta sa paglakas ng lokal na pera. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here