Home NATIONWIDE 12 waging kandidato sa 2025 senatorial race, inilabas ng OCTA

12 waging kandidato sa 2025 senatorial race, inilabas ng OCTA

160
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, na isinagawa mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 1, ang listahan ng 12 potensyal na kandidatong magwawagi sa karera ng mga senador sa 2025 midterm elections.

Napanatili ni ACT-CIS party-list Representative Erwin Tulfo ang pangunguna sa senatorial survey para sa 2025 national at local elections.

Ang resulta sa survey ng Tugon ng Masa ng pollster ay nagpakita na 58% ng mga Filipino adults ang boboto kay Tulfo.

Mayroong 1,200 lalaki at babae na respondents na may edad 18 pataas na nainterbyu para sa pag-aaral, na may ±3 margin of error sa 95% antas ng kumpiyansa.

Hiniling sa mga respondent na pumili ng hanggang 12 pangalan mula sa isang listahan sa pagsagot sa tanong kung sino ang kanilang iboboto kung gaganapin ang 2025 senatorial elections ngayon.

Sinundan si Erwin ng kanyang kapatid na si Ben at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, na nagtabla sa 45% para sa pangalawa hanggang ikaapat na puwesto.

Sumunod ay si dating Senate President Vicente Sotto III para sa pangalawa hanggang ikalimang puwesto, na may 44% voting preference.

Dagdag pa, 39% ng mga respondent ang nagsabing iboboto nila si Senador Pilar Juliana “Pia” Cayetano na nasa ikaapat hanggang ika-siyam na puwesto.

Sinundan siya ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na may 38% para sa ikalima hanggang ika-10 puwesto.

Nagtabla sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa, Senator Francis Tolentino, at dating Senador Panfilo “Ping” Lacson sa ikalima hanggang ika-11 puwesto na may 36%, 34%, at 34%, ayon sa pagkakasunod.

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte naman ay nakakuha ng 33% para sa ikaanim hanggang ika-13 puwesto.

Lumabas din sa survey na nakatanggap si dating senador Manny Pacquiao ng 32% para sa ikapito hanggang ika-14 na puwesto.

Nagtabla sina Senador Imee Marcos at Lito Lapid na may 28% para sa ika-10 hanggang 16 puwesto, na sinundan ni Interior Secretary Benhur Abalos na may 27% para sa ika-11 hanggang ika-16 na puwesto.

Nagtabla rin sa ika-12 hanggang ika-18 puwesto sina dating Manila mayor Isko Moreno at Makati Mayor Abigail “Abby” Binay na may 23% voting preference. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here