MANILA, Philippines – Hindi tatakbo ng anumang pwesto sa gobyerno si dating senador Leila de Lima sa 2025 elections.
Aniya, marami pa siyang ibang prayoridad sa pagkakataong ito.
“Hindi po ako sasali sa electoral fray for next year anuman ang posisyon. ‘Yan ang aking desisyon ngayon…dahil may iba pa akong priorities, marami pa akong inaasikaso sa buhay ko,” ani De Lima sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.
Matatandaan na kakalaya lamang ni De Lima matapos na ipakulong sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Naibasura na ng korte ang lahat ng mga kasong inihain laban sa kanya. RNT/JGC