Home NATIONWIDE Nancy sa pagtakbo ni Abby sa Senado: Mag-ready sila

Nancy sa pagtakbo ni Abby sa Senado: Mag-ready sila

142
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Nancy Binay nitong Biyernes, Hulyo 19 na ikakampanya nito ang kapatid na si Abby Binay sa oras na tumakbo ito sa Senado sa susunod na taon.

Si Abby ang kasalukuyang mayor ng Makati City.

Bagama’t hindi pa nag-aanunsyo ng kanyang plano sa politika para sa susunod na taon, lumabas ang pangalan ni Abby sa ilang senatorial surveys sa labas ng “Magic 12.”

“Oo naman [I will campaign for her]… Lawyer kasi ‘yung kapatid ko at katulad ngayon nawala si Secretary Sonny Angara na lawyer din so may shortage kami sa lawyers so magiging welcome addition yung kapatid ko sa Senado,” sinabi ni Nancy sa panayam ng Teleradyo Serbisyo.

Nagbabala rin si Nancy sa mga senador na walang inuurungan ang kanyang kapatid bilang isang politiko.

“Mag-ready sila dahil hindi ‘Be Nice’ yung mantra ng kapatid ko,” sinabi ni Nancy sabay tawa.

Si Nancy naman ay natutunugang tatakbo bilang mayor ng Makati City bagama’t hindi pa niya ito kinukumpirma.

Sinabi lamang nitong siya ay papasok sa isang panibagong kabanatan sa oras na matapos na ang kanyang termino sa Senado sa susunod na taon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here