Home METRO 120 pasahero ng motorbanca nasagip sa Basilan

120 pasahero ng motorbanca nasagip sa Basilan

BASILAN- Nasagip ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM), ang 120 pasahero sakay ng motorbanca makaraang masira ang makina sa gitna ng Lampinigan Island, Basilan.

Ayon kay NFWM Commander Rear Admiral Donn Anthony Miraflor, galing sa Dungon Banguingui, Sulu ang motorbanca biyaheng Zamboanga nang pumalya ang makina nito at nagpalutang-lutang sa gitna ng nasabing isla.

Agad naman nakaresponde ang mga tauhan ng NFWM at nailigtas ang mga pasahero.

Nagpaalala naman ang NFWM, Philippine Navy at iba pang ahensya ng gobyerno sa seafarers na panatilihing maayos ang kanilang mga motorbanca lalo na ang makina bago lumayag.  Mary Anne Sapico

Previous article‘Code white alert’ kasado sa NCR hospitals para sa Traslacion 2024
Next articlePopular na gamot sa diabetes nakapanlalagas ng buhok, nagdudulot ng suicidal thought?