Home METRO ‘Code white alert’ kasado sa NCR hospitals para sa Traslacion 2024

‘Code white alert’ kasado sa NCR hospitals para sa Traslacion 2024

MANILA, Philippines- Inilagay na sa “code white alert” simula Sabado, Enero 6, ang lahat ng ospital sa ilalim ng Department of Health (DOH) sa NCR bilang paghahanda sa pagbabalik sa tradisyonal na Traslacion sa Enero 9.

Nangangahulugan ang “code white alert” na ang mga medical staff at personnel ay naka-standby para sa agarang pagtugon sa posibleng mga isusugod na pasyente dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto .

Sinabi ng DOH na walong health emergency response teams at ambulansya ang ide-deploy sa buong ruta ng Translacion upang magbigay ng emergency medical services sa mga deboto.

Itatalaga ang naturang teams sa Quirino Grandstand, Roxas Blvd, cor Ayala (National Museum &Fine Arts); Ayala Blvd cor Taft Avene sa may PNU; Ayala Blvd cor San Marcelino; San Sebastian Church; Villarica, Quezon Blvd; Quinta Market; at Paterno, Quezon Blvd.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na katuwang ang Kagawaran sa pagtiyak sa kalusugan at kaligtasan ng mga deboto na lalahok sa aktibidad para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Kaugnay nito, naglabas din ng paalala ang DOH sa mga dapat at hindi dapat gawin ng mga deboto:

– obserbahan ang mga kinakailangang pag-iingat at mga hakbang sa kaligtasan sa panahon ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno;

– magsuot ng face mask at toyaking maayos ang daloy ng hangin;

– isaalang-alang ang paglahok mula sa bahay dahil ang pagdiriwang na ito at humahantong sa pagsisikip na may mas malaking panganib sa kalysugan;

– iwasang hawakan at halikan ang mga pigura at estatwa dahil sa panganib na magkaroon ng mga nakakahawang sakit;

– uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration; at

– iwasang ang matagal ba pagkakalantad sa init upang maiwasan ang panganib ng heat stroke.

Nauna na ring naglabas ng paalala ang pamunuan ng Quiapo Church sa mga ipinagbabawal at pinahihintulutan sa Traslacion. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMIC Board nagpulong; fund capitalization tinalakay
Next article120 pasahero ng motorbanca nasagip sa Basilan