Mainit na sinalubong ng mga Navoteño sina Ms. Ahtisa Manalo at Ms. Max Collins na kasama nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa pagdiriwang ng 120th Navotas Day Grand Parade.
Kasama sa parada ang mga kawani at opisyal ng pamahalaang lungsod, mga barangay, national government agencies, mga kawani ng sektor ng edukasyon, mga negosyo sa Navotas, at civil society groups. Gayundin ang mga nanalo sa Mutya ng Navotas 2026 at Gandang Lola at Astig na Lolo 2026.