PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pag-iikot sa bawat barangay sa pamamahagi ng Rice for All para sa bawat pamilyang Navoteño.
Sa pamamagitan ng NavoRehistro QR Code, makakatanggap ang bawat pamilya ng 5 kilong bigas. Kung sakaling hindi nakuha ang bigas, maaari itong kunin sa Navotas Convention Center mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. at dalhin ang NavoRehistro QR Code.