Home METRO Bangkay ng lalaki itinapon sa Kabite

Bangkay ng lalaki itinapon sa Kabite

MANILA, Philippines- Nadiskubre ng mga residente sa Silang, Cavite ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaking biktima sa kahabaan ng Iba Road nitong Linggo ng umaga, base sa ulat.

Ayon kay Silang Police Chief Lt. Col. Louie Gonzaga, natagpuan ang bangkay bandang alas-9:20 ng umaga.

Ang biktima, tinatayang edad 19 hanggang 25-anyos, ay nakasuot ng brown t-shirt at itim na joggers. Mayroon siyang tattoo na “Ben” sa kaliwa niyang mga daliri.

Nakatali sa likod ang mga kamay ng biktima at tila sinakal siya at pinagsasaksak.

Naniniwala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa lugar na ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso. RNT/SA