MANILA, Philippines- Magtatayo ang Bureau of Corections (BuCor) ng airport at seaport sa 27,000 ektaryang reservation nito sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang itatayong paliparan at daungan ay bahagi ng nilagdaang kasunduan ng BuCor sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) para gawing economic zone ang reserve ng IPPF.
Ito ang kauna-unahang mega economic zone sa Palawan.
“Palawan is the new frontier and we want to generate income for social development and food security,” ani Catapang.
Sa ilalim ng memorandum of agreement sa pagitan ng BuCor at PEZA, ang mga nakatenggang lupa ng BuCor ay gagamitin para sa “economic and agricultural outputs” na magiging malaking bahagi nf food security ng bansa.
Target itong maging operational bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos sa 2028.
Ipinaliwanag ni Catapang na lumalaki na ang populasyon sa Puerto Princesa City at ang kasalukuyang airport ay hindi na sapat kahit palawigin pa ito.
Nakalaan ang 1,000 hectares na magiging airport sa IPPF reservation o doble ang laki sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport).
Ang seaport naman ay itatayo na layong maging international port para sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations).
Magiging bahagi aniya ang naturang ng Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA). Teresa Tavares