San Carlos City, Pangasinan – Pebrero 17, 2025: Pinangunahan ni Senador Grace Poe ang endorsement rally ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa Open Grounds, Roxas Park, sa bayan ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr.
Inendorso rin ng batikang aktor na si Coco Martin ang partylist na nakisama sa seremonya ng pagtaas ng kamay bilang simbolo ng suporta sa partylist.
Libu-libo namang tagasuporta ang dumalo upang masaksihan ang endorsement, na nagbigay-pugay sa patuloy na pamana ni FPJ sa paglilingkod at adbokasiya para sa bayan.
Ang FPJ Panday Bayanihan Partylist ay pinamunuan nina Brian Poe, Mark Patron, at Iyas Dolor. Cesar Morales