Home NATIONWIDE Makataong jail conditions iginiit sa ASEAN Regional Correctional Conference

Makataong jail conditions iginiit sa ASEAN Regional Correctional Conference

MANILA, Philippines- Mahalaga ang pagkakaroon ng “caretakers” ng persons deprived of liberty (PDLs) na siyang gagawa ng mga progresibo at makataong pagwawasto.

Ito ang iginiit Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief Director Ruel Rivera sa kanyang talumpati sa 2nd ASEAN Regional Correctional Conference (ARCC).

“As we gather here today, we reaffirm our commitment to a correctional system that is not just secure but also transformative. This conference is more than a venue for discussion; it is a platform for action, collaboration, and the continuous pursuit of excellence in jail management and rehabilitation,” ani Rivera.

Kumpiyansa si Rivera na dahil sa ARCC, mapagtitibay lalo ang kooperasyon ng mga bansang kasapi ng ASEAN para mapalago ang hakbang sa rehabilitation at reintegration ng mga PDL.

Ang naturang pagtitipon ay pinangunahan ng BJMP at dinaluhan ng matataas na correctional officials at experts sa buong Southeast Asia. 

Tinalakay sa pagtitipon ang regional cooperation at mga advanced prison system reforms.

Kabilang sa mga dumalo ay mga Correctional leaders mula Thailand, Indonesia, Singapore, Brunei Darussalam, Cambodia, Vietnam, Laos, Malaysia at Timor-Leste.

Tinalakay din sa naturang forum ang jail decongestion, prison health, reintegration programs, parole and probation at mga hakbang at inisyatiba para labanan ang mga radikal na paniniwala at aksyon ng mga PDL na gumagamit ng karahasan sa mga layunin na pampulitika o  ideolohikal. 

“These principles are central to the discussions as ASEAN nations work toward more effective and sustainable correctional policies,’’ dagdag ni Rivera. Teresa Tavares