Home NATIONWIDE 12K parak ipakakalat sa SONA 2025 – PNP

12K parak ipakakalat sa SONA 2025 – PNP

244
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na magde-deploy sila ng halos 12,000 pulis para sa seguridad ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 28.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, kabuuang 11,949 pulis ang itatalaga sa paligid ng Batasang Pambansa sa Quezon City, habang magmumula naman sa Central Luzon at Calabarzon ang karagdagang puwersa upang bantayan ang mga hangganan ng Metro Manila.

Pinangunahan ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III ang isang command conference nang alas-4 ng madaling araw upang plantsahin ang mga seguridad, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at maagap na pamumuno.

Isinasagawa rin ng PNP ang updated threat assessment para malaman kung kailangan baguhin ang mga dating security template, lalo na sa harap ng inaasahang pro at anti-government rallies.

Tiniyak naman ni QCPD Acting Director Col. Randy Glen Silvio na igagalang ng pulisya ang karapatang magpahayag, basta ito ay isinasagawa sa maayos, ligtas, at legal na paraan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here