MANILA, Philippines – Sinuspinde ang klase sa ilang bahagi ng bansa ngayong Miyerkules, Hulyo 9, 2025, dahil sa matinding pag-ulan.
Sa NCR, walang pasok sa lahat ng antas sa Las Piñas City, para sa pampubliko at pribadong paaralan, na ililipat sa modular o online learning.
Sa Muntinlupa, suspendido rin ang lahat ng klase sa mga pampublikong paaralan.
Sa mga probinsya, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa Laurel, Batangas.
Sa Cavite, walang pasok sa Mendez-Nuñez, Alfonso, General Trias (modular/online), General Emilio Aguinaldo (Bailen), Kawit, Naic (modular/online), at Tanza (modular/online).
Sa Laguna, kanselado rin ang lahat ng klase sa Biñan para sa pampubliko at pribadong paaralan. RNT