Home METRO 13-anyos na inutusang bumili ng yelo, nawawala

13-anyos na inutusang bumili ng yelo, nawawala

MANILA, Philippines – Naiulat na nawawala ang isang 13-anyos na batang babae matapos na utusan ng kanyang ina upang bumili ng yelo sa Barangay Nibaliw, Mangaldan, Pangasinan at hindi na nakauwi pa.

Kinilala ang batang babae na si Rosalyn Calagno.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni PLt. Col. Roldan Cabatan, hepe ng Mangaldan Police Station, na sinisilip nila ang anggulong paglalayas dahil binanggit umano ni Rosalyn sa kanyang mga kaibigan na maglalayas siya kapag pagalitan siya ng kanyang ama.

Pinuntahan ng kapulisan ang bahay ng biological father ng biktima pero wala ito roon.

“Yun ‘yung nababanggit ng bata sa mga batchmate niya. Kung papagalitan daw siya ng tatay niya is maglalayas siya sa bahay niya. ‘Yun lang ‘yung tinitingnan natin na anggulo na ngayon,” ani Cabatan.

Ang ina ni Rosalyn, na nahihirapang magsalita dahil sa stroke, at ang kanyang stepfather na si Crisaldo De Vera, ay nababahala sa kanyang kaligtasan.

Sinabi ni Crisaldo na pinagalitan niya si Rosalyn noong araw na nawala ito dahil sa katigasan umano nito.

Ang sinumang may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Rosalyn Calagno ay hinihimok na makipag-ugnayan sa Mangaldan PNP. RNT