PANGASINAN-Patay ang isang 13-anyos na babai matapos magbigti sa bayan ng Lingayen ng lalawigang ito kahapon, November 23.
Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay isang grade 8 student, residente ng naturang bayan.
Sa imbestigasyon, bandang 5:40 ng hapon kahapon ay umuwi ang nanay ng biktima galing ng trabaho at nagulat ito nang makita ang anak na may tali sa leeg na nakabitin sa loob ng kanilang bahay.
Sinabi ng ina ng biktima na bago ang insidente ay napagalitan o napagsabihan niya ang biktima dahil sa pagiging iresponsable nito.
Huling namataan ng mga kapitbahay ang biktima na buhay pa bandang 5:15 ng hapon.
Isinugod sa Lingayen District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso