BULACAN, Philippines – Arestado ang 13 indibiduwal habang nakasamsam ng P161,160 halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.
Sa report ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng San Jose Del Monte police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas Joel, 53.

Ayon kay Bagain, isinagawa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) bandang 4:20 ng hapon nitong Oktubre 8 sa Brgy. Sta. Cruz.
Narekober sa operasyon ang marked money at tatlong sachets ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P54,400.
Samantala, huli rin sa kaparehong operasyon ng Malolos police station sa pangunguna ni PLTCOL Rommel Geneblazo, ang mga suspek na sina alyas Adan, 27, alyas Cotton, 29 at alyas CJ, 29 bandang 1:45 ng madaling araw nitong Oktubre 9.







