Home METRO 13 empleyado ng LGU Isabel, Leyte, nagpositibo sa drug test

13 empleyado ng LGU Isabel, Leyte, nagpositibo sa drug test

1
0

LEYTE, Philippines – Labintatlong empleyado ng LGU Isabel, Leyte ang nagpositibo sa isinagawang sorpresang drug test noong Agosto 6 at 7, ayon kay Mayor Bennet Pongos.

Sa kabuuang 145 empleyado na sumailalim sa pagsusuri, 13 ang nagpositibo. Kabilang dito ang isang regular employee, isang casual worker, at 11 job order personnel.

Ayon sa pamahalaang bayan, ang regular employee ay sasailalim sa rehabilitation o intervention program alinsunod sa mga patakaran ng Civil Service Commission (CSC), habang ang 12 iba pa ay tinanggal sa serbisyo.

Iniutos ni Mayor Pongos ang sorpresang drug test bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga upang matiyak na ang munisipyo ay isang drug-free, ligtas, at maayos na lugar ng trabaho.

Sinabi rin niyang magpapatuloy ang mga kahalintulad na drug testing at ipatutupad ang kampanya nang walang diskriminasyon at anuman ang kinabibilangang partido pulitikal.

“Our campaign against illegal drugs is serious, fair and for the welfare of all Isabel residents. I have been warning for a long time that there is no place for drugs in my administration. Do your job properly. Stop now while it is not yet too late,” ani Pongos. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here