Home NATIONWIDE 13 ‘gang 18 bagyo papasok sa Pilipinas ngayong 2024

13 ‘gang 18 bagyo papasok sa Pilipinas ngayong 2024

MANILA, Philippines – Nasa 13 hanggang 18 bagyo ang inaasahang papasok sa Pilipinas ngayong 2024.

Ayon sa PAGASA, 11 lamang ang bagyong tumama sa bansa noong nakaraang taon dahil sa El Niño phenomenon.

“Ngayong taon po na ito, according to our projections, ang inaasahan po natin ay about 13 to 18. So mas mababa pa rin ito sa average na 19 to 20, subalit ngayon nga po ay nakaisa na tayo,” pahayag ni PAGASA Deputy Administrator for Research and Development Marcelino Villafuerte II sa isang public briefing.

Kamakailan ay dumaan sa bansa ang kauna-unahang bagyo para sa taong ito, ang Bagyong Aghon kung saan pito ang nasawi.

Nasa kabuuang 51,858 katao o 16,404 pamilya naman ang apektado ng bagyong Aghon ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nag-iwan din ito ng agricultural damage na aabot sa P21,651,548, apektado ang 369 magsasaka at mangingisda.

“Papatapos pa lang yung El Niño natin and then in the coming months we are expecting na magta-transition siya into a neutral phase, so ibig sabihin walang El Niño and then walang La Niña,” paliwanag ni Villafuerte.

“And then by around July, August, September about 69% yung chance na possibly magsimula na po yung La Niña. So yung La Niña po usually peaks around the end of the year and then until the following season, next year, yung at least first quarter.”

Nitong Miyerkules, opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa. RNT/JGC