Home NATIONWIDE 13 House committees magsasama sa solusyon sa oil price crisis

13 House committees magsasama sa solusyon sa oil price crisis

164
0

MANILA, Philippines – Pinalawak ng Kamara sa 13 ang bilang ng mga komite na tututok sa iisang legislative response para tugunan ang krisis sa presyo ng langis na dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, layunin ng joint hearings na magsimula sa Abril 8 na makabuo ng konkretong solusyon sa pakikipagtulungan sa executive branch, sa halip na sisihan ang isa’t isa.

Kabilang sa 13 komite ang Energy, Agriculture, Transportation, Labor, Trade and Industry, Appropriations, at iba pa, na magtutulungan sa pagkalap ng datos at pagbalangkas ng mga panukala.

Sinabi ni Marikina Rep. Miro Quimbo na tututukan ng grupo ang agarang tulong sa mga apektadong sektor gaya ng transportasyon, pati na rin ang pangmatagalang plano para mapalakas ang ekonomiya laban sa ganitong krisis.

Ayon sa mga mambabatas, bagama’t hindi kontrolado ang sanhi ng krisis, tungkulin ng gobyerno na maghanda at maglatag ng mga solusyon para maibsan ang epekto sa mamamayan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here