Home HOME BANNER STORY Imee humingi ng paumanhin kay VP Sara: Nagsisisi sa pagpasok nito sa...

Imee humingi ng paumanhin kay VP Sara: Nagsisisi sa pagpasok nito sa national politics

206
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng panibagong video si Senador Imee Marcos kung saan humingi siya ng paumanhin kay Vice President Sara Duterte, at sinabing nakakaramdam siya ng pananagutan sa naging pagpasok nito sa national politics.

Sa video na inilabas sa Facebook, sinabi ni Marcos na pinagsisisihan niya ang pag-impluwensya noon kay Duterte na tumakbo sa pambansang posisyon noong 2021, sa halip na manatili bilang alkalde ng Davao City.

Aminado ang senadora na siya ay nakaramdam ng “guilt” dahil maaaring naging dahilan ito ng mga kinahaharap na hamon ng Bise Presidente sa pulitika.

Bagama’t humingi ng paumanhin, sinabi rin niya na patuloy pa ring may plataporma si VP Duterte sa kanyang tungkulin sa gobyerno.

Ang video ay bahagi ng serye ng Holy Week reflections ni Marcos, kung saan nauna na rin siyang humingi ng paumanhin sa kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here