Home NATIONWIDE 13 kabataan na lulong sa droga, huli sa drug den

13 kabataan na lulong sa droga, huli sa drug den

392
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Bumagsak sa kamay ng alagd ng batas ang 13 pinaniwalaang lulong sa droga kabilang ang siyam na menor de edad matapos na mabuwag ang drug den sa Brgy. Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs ng PDEA Region 02 ssa pangunguna ni Regional Director Gil Cesar Castro sa isinagawang buy-bust operation ng otoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng 13 katao, na kinabibilangan ng 9 menor de edad at pagkakakumpiska ng mahigit P30,000 na halaga ng hinihinalang shabu at marijuana.

Aabot sa 3.5 gramo ng hinihinalang shabu at 2.5 gramo ng marijuana ang narekober sa operasyon

Ayon kay PMaj. Manny Paul Pauid, hepe ng Bayombong Police Station ang pagkakahuli sa hindi na pinangalanang mga suspek na pawang mga residente sa naturang lugar ay batay sa impormasyon na nakalap ng mga awtoridad hinggil sa kahinahinalang transakyon ng mga kabataan sa naturang bahay.

Nakabili ang operatiba na nagpanggap na buyer ng hinihinalang shabu, kung saan nadatnan ang mga suspek na kasalukuyang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ipinatawag rin ang mga magulang ng mga menor de edad upang samahan silang isailalim sa drug test sa Santiago City na nahaharap pa rin sa kasong paglabag sa kasong RA 9165. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here