Home METRO 13 menor, nakatakas sa City Operation Second Chance Center sa Cebu

13 menor, nakatakas sa City Operation Second Chance Center sa Cebu

279
0

CEBU, Philippines – 13 menor de edad na nakatakas sa Cebu City Operation Second Chance Center sa Brgy., Kalunasan ang ni-rescue ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon noong Miyerkules ng umaga, Setyembre 3, 2025.

Ayon sa Cebu City Police Office (CCPO), ang insidente ay nangyari nang dalawang children in conflict with the law (CICL) ay inutusan ng staff member na magtapon ng basura.

Sa halip na gawin ang iniutos ng staff ay tumakas ito sa pasilidad. Dahil dito nagsagawa ng rescue and retrieval operation ang mga awtoridad.

Ang unang operasyon ay isinagawa sa pamumuno ni Police Major Miles B. Damoslog, kasama ang VIPER 1 Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) at Mobile Patrol Unit (MPU).

Na-rescue sa operasyon ang 12 batang nakatakas at tinurn-over sa Second Chance Center para sa nararapat na intervention.

Sa hiwalay na follow-up operation na isinagawa ng Pasil Police Station, sa pamumuno ni officer-in-charge Police Captain Giann Karlo M. Reyes. Narescue ang isa pang bata sa Barangay Suba.

Ang mga menor de edad na sangkot ay nasa 15 hanggang 17-anyos.

Ang Operation Second Chance Center ay isang pasilidad ng rehabilitasyon na pinamamahalaan ng lungsod na naglalaman ng mga children in conflict with the law .

Ang pasilidad ay nagbibigay ng tirahan, edukasyon, at mga programa sa pag-uugali na naglalayong tulungan ang mga menor de edad na magreporma at muling mabuo sa kanilang mga pamilya at komunidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here