Home NATIONWIDE 13 Pinoy seaman ligtas sa missile attack ng Houthi sa Yemen –...

13 Pinoy seaman ligtas sa missile attack ng Houthi sa Yemen – DMW

MANILA, Philippines – Ligtas ang 13 Filipino crew members ng bulk carrier na napinsala ng Houthi-launched missiles sa Yemen, iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na binanggit ang local manning agency ng shipping company.

Ang barko ay inatake habang binabagtas ang baybayin ng Yemeni malapit sa Hodeiden noong Martes ng hapon (oras ng Maynila).

Bukod sa mga Filipino crew, ligtas din sa pag-atake ang Ukranian seaman na sakay ng barko.

Sa isang ulat, binanggit ng British security firm na Ambrey, na isang merchant vessel sa baybayin ng Yemeni ay tumagilid matapos masapul ng mga missile.

Ayon sa DMW, sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang barko sa paglalayag sa kanilang kasunod na port of call.

SInabi pa ng DMW na nakikipag-usap na sila sa shipping at manning agency habang binabantayan ang kaligtasan at kondisyon ng mga Filipino seafarer.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa mga pamilya ng mga marino upang magbigay ng anumang tulong na kanilang kailangan.

Ang Yemen Iran-aligned Houthins ay naglunsad ng paulit-ulit na drone at missile strikes sa Red Sea simula Nobyembre, na kalaunan ay lumawak sa Indian Ocean, sa sinasabi nilang pakikiisa sa mga Palentinian. Jocelyn Tabangcura-Dmenden