Home NATIONWIDE Bulkang Taal nakapagtala ng 5 pagyanig

Bulkang Taal nakapagtala ng 5 pagyanig

MANILA, Philippines – Matapos ang apat na araw nang pagiging kalmado, nakapagtala ng limang pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules, Mayo 29.

Sa bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na ang mga pagyanig ay tumagal ng dalawa hanggang 13 minuto.

Ang volcanic tremors ay “continuous seismic signals with regular or irregular sine wave appearance and low frequencies.”

Kalmado ang bulkan mula noong Mayo 24.

Ang huling senyales ng pag-aalburoto ng bulkan ay noon pang Mayo 23, kung saan nakapagtala ang PHIVOLCS ng tatlong lindol na sinamahan ng volcanic tremors na tumagal ng anim na minuto.

Samantala, sa pinakabagong update, iniulat ng PHIVOLCS ang 3,164 metric tons (MT) ng sulfur dioxide na ibinuga 900 metro ang taas.

Nananatiling nasa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC