Home METRO 13 sugatan, kabilang menor, sa dyip na sumalpok sa poste sa Marcos...

13 sugatan, kabilang menor, sa dyip na sumalpok sa poste sa Marcos Highway

232
0

MANILA, Philippines – Labing-tatlong pasahero ang nasugatan matapos bumangga ang isang jeepney sa poste sa Marcos Highway sa Antipolo, Rizal.

Ayon sa pulisya, papunta sana ang jeep sa Antipolo-Masinag Intersection nang mawalan ito ng preno, kaya’t idiniretso ng drayber sa poste dahil hindi rin umandar ang emergency brake.

Ilan sa mga nasugatan ay mga menor de edad.

Walo sa mga pasahero ang nagsampa ng reklamo laban sa drayber, na ngayo’y nakakulong sa Antipolo City Police Station.

Tumanggi naman ang suspek na magbigay ng pahayag. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here