Home NATIONWIDE 13 tigok sa alcohol poisoning sa Kuwait

13 tigok sa alcohol poisoning sa Kuwait

222
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Ministry of Health ng Kuwait ang 13 pagkasawi dahil sa methanol poisoning mula sa lokal na ginawang alak.

Mula Sabado, 63 kaso ang naitala, kabilang ang 31 na kinailangang gumamit ng ventilator, 51 na sumailalim sa kidney dialysis, at 21 na nabulag o may permanenteng diperensya sa paningin.

Pawang mga Asyano ang mga biktima. Natuklasang binili ang alak mula sa ilang Asyano sa Jleeb Al-Shuyoukh, Farwaniya, kung saan 10 katao ang naaresto.

Ipinagbabawal sa Kuwait ang alak, at ang pag-angkat o paggawa nito para ibenta ay may katapat na parusa sa kulungan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here