Home NATIONWIDE 132 distressed OFWs mula Middle East, dumating na sa bansa

132 distressed OFWs mula Middle East, dumating na sa bansa

MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang kabuuang 132 distressed overseas Filipino Workers (OFWs) mula Middle East.

Sakay ng Gulf Air Flight GF154 ang mga OFWs na dumating nitong Sabado, Marso 9 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula Bahrain.

Ang mga OFW ay tinulungan ng Department of Migrant Workers at iba pang Filipino resource worker tulad ng Bahay Kalinga sa Kuwait bilang bahagi ng Overseas Workers Welfare Administration- Migrant Workers’ Office sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Kuwait.

Nagbigay naman ang mga tauhan ng OWWA sa mga OFWs na dumating sa NAIA ng pagkain, transportasyon pabalik sa kani-kanilang probinsya, hotel accommodation kung kinakailangan at financial assistance. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP500K kapalit ng impormasyon sa pumatay sa DRRMO officer ng Cotabato – mayor
Next articleBicol Cancer Center pinasinayaan